Napaka-positibo raw kasi ng personalidad ni Bruce kaya hindi nakakapagtaka ang kanyang kakaibang suwerte, ayon kay Vega. Sa kabila ng kanyang dalawang beses na pagkakapanalo ay hindi naman iniisip ni Bruce na siya ay isang napakasu-werteng tao. Namayapa kasi ang kanyang asawa dahil sa cancer matapos siyang manalo noong 2012. Malaki rin ang ginastos nila sa pagpapaospital kaya naniniwala siyang ang pangalawa niyang pagkapanalo ay ang paraan ng kanyang namayapang asawa upang makatulong sa kanya at sa kanilang mga anak.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
Ngayon ay plano ni Bruce na gastusin sa pagbabakasyon ang bahagi ng kanyang napanalunan ngunit hindi pa siya nakakapagpasya kung saan siya pupunta. Bagama’t mas maliit ang tsansa ng isang tao na manalo ng dalawang beses sa lotto ay marami na rin ang mga katulad ni Bruce na pinalad na manalo ng jackpot ng higit sa isang beses. Isang lalaki sa Illinois noong 2012 ang nanalo ng $1 million matapos niyang mapanalunan ang jackpot siyam na taon na ang nakakaraan. Ngunit pinakamatindi pa rin ang suwerte ng isang babae na taga-Illinois din dahil anim na buwan lang ang pagitan ng dalawa niyang jackpot na panalo noong 2010.
No comments:
Post a Comment