Dagdag pa ni Donnabel na sasama sana siya sa kanyang asawa ngunit hindi ito pumayag na baka may masamang mangyari sa kanila at nabigla na lamang siya nang nabalitaan ang nangyari dito. Babalik na sana umano sa Marawi City si Sgt. Dangayo ngunit nakiusap ito na uuwi muna sa kanyang pamilya kahit tatlong araw lamang ngunit doon na ito pinatay. Napagalaman na nagmamaneho sa kanyang motorsiklo ang biktima ng binaril-sa hindi kilalang suspect.
Dalawang tama sa ulo ang tinamo ng biktima, na siyang dahilan sa kanyang kamatayan. Nilapitan pa ng mga suspect si Dangayo upang siguradohing wala na itong buhay at kinuha pa ang armas nito at pagkatapos daling nilisan ang lugar. Isa sa tiningnan ngayon ng pulisya na motibo, na mga rebelde ang posibleng responsible sa krimen. Zamboanga del Sur – Ikinalungkot ng AFP ang pagkamatay ng isang sundalo galing bakbakan sa Marawi sa kamay ng mga pulis sa Zamboanga del Sur.
Sa ulat, pauwi na ng bahay si Private 1st Class Rogilo Torres Bartolome ng 53rdinfantry Batallion matapos barilin ng mga pulis sa barangay Montealegre, bayan ng Aurora. Sinita umano ng mga pulis ang nakasibilyang sundalo dahil sa bitbit nitong baril. Nang ipapakita lang sana ng sundalo ang baril ay biglang pinaputukan siya ng mga pulis. Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – iginiit na pwedeng magdala ng baril ang mga sundalo kahit nakasibilyan.
Aminado si Padilla na nakakaranas ng trauma at stress ang mga sundalong nakikipagbakbakan. Inaalam pa ng AFP ang buong detalye ng insidente.
No comments:
Post a Comment